Commodore 64
Ang Commodore 64 (C64) ay isang 8-bit na home computer na ipinakilala noong Enero 1982 ng Commodore. Kinuha ng C64 ang pangalan nito mula sa 64 KiB nitong RAM. Dahil sa suporta para sa multicolor sprites at custom na chip para sa waveform generation, ang C64 ay nakagawa ng superior na visuals at audio kumpara sa mga system na walang ganitong custom hardware. Dinomina ng C64 ang low-end computer market sa karamihan ng mga rehiyon sa halos buong dekada ng 1980s. Mayroong humigit-kumulang 10,000 commercial na software title para sa C64, kabilang ang mga laro.