Game & Watch
Ang Game & Watch ay isang serye ng mga dedicated na handheld electronic game ng Nintendo na ginawa mula 1980 hanggang 1991. Isa ito sa mga pinakaunang portable electronic game system at naging sikat noong second generation. Hinango ang pangalan ng produkto mula sa pagtatampok nito ng iisang laro pati na rin ng orasan sa isang LCD screen.